Pagsabog sa Marawi: “Failure of intelligence” kaya hindi naagapan ang pag-atake sa MSU-Marawi — AFP

Una nang sinabi ni Senador Ronald dela Rosa na maaaring nagkaroon ng “failure of intelligence” sa bahagi ng AFP kung kaya’t nangyari ang pagsabog sa Marawi City.

Maaari ngang may pagkukulang o pagkakamali ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kaya’t nangyari ang malagim na pagsabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City noong Linggo, Disyembre 3.

“Kung titignan natin, kapag may nangyari, usually talagang hindi naman nahahagilap lahat,” pagsasaad ni AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar sa isang panayam sa “Unang Balita” ng GMA Integrated News.

“So, in a way, parang yes, there is a failure. But whether meron po bang accountability iyong mga tao, iyon po ang iimbestigahan natin,” aniya.

Una nang sinabi ni Senador Ronald dela Rosa na maaaring nagkaroon ng “failure of intelligence” sa bahagi ng AFP kung kaya’t nangyari ang insidente. Gayunpaman, nilinaw niyang hindi dapat ibaling ang sisi sa military dahil tila “below the radar” ang nangyari.

Kaugnay niyan ay inanunsiyo na rin ng AFP na may dalawang persons of interest na ito na pawang miyembro ng Dawlah Islamiyah, isang kilalang teroristang grupo sa Mindanao.