Pagrehistro ng PIRMA sa SEC dehins kailangan – solon

Kinuwestiyon ni 1-RIDER Rep. Rodge Gutierrez ang pagrerehistro ng People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) - na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution - sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Kinuwestiyon ni 1-RIDER Rep. Rodge Gutierrez ang pagrerehistro ng People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) – na naglalayong amyendahan ang 1987 Constitution – sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Ani Gutierrez, ang mga kampanya na nagpapahayag ng soberanya gaya ng people’s initiative (PI) ay hindi na kailangan pang dumaan sa SEC.

“Just a personal opinion, PI is an exercise on sovereignty. It’s the will of the people,” wika ni Gutierrez sa isang press conference noong Miyerkoles.

“So it will not necessarily require an SEC certificate. Hindi naman kailangan na meron tayong certificate to go around or so,” giit pa ng mambabatas.

“SEC certificates are therefore protection on business. But for you to go around and campaign for genuine change, karapatan po iyan ng tao,” dagdag pa ni Gutierrez.

Ito ang pahayag ng mambabatas kasunod ng ulat ng isang opisyal ng SEC. Ayon sa opisyal, ang registration ng PIRMA sa kanilang ahensya ay na-revoke noong 2004 pa.

Samantala, inihayag ng legal counsel ng PIRMA na si Alex Avisado na naipasa na nila ang kanilang documento sa online portal ng SEC ngayong buwan.