Pagpapatigil sa konstruksyon ng new senate building, aprub sa Kamara

Suportado ng mga solon ang pagpapatigil ni Senate President Francis "Chiz" Escudero sa pagpapatayo ng bagong gusali ng Senado sa Bonifacio Global City.

Suportado ng mga solon ang pagpapatigil ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pagpapatayo ng bagong gusali ng Senado sa Bonifacio Global City.

Ito ay dahil sa anomalya sa budget ng konstruksyon na lumobo sa 23 bilyong piso kumpara sa P8.3-B orihinal na budget nito.

“It is only prudent to scrutinize projects involving public funds. We owe it to our constituents to ensure every peso is spent wisely and effectively. This project is a prime example of why stringent checks and balances are essential. The significant cost overrun calls for a reassessment to protect our nation’s fiscal health,” sabi ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez.

Ayon naman kay House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon, napakahalaga ng “transparency” para sa taumbayan dahil malaking pera ng bayan ang sangkot sa proyektong ito.

“It is crucial that we uphold public trust in all our infrastructure projects. Every centavo must be accounted for to prevent misuse of funds,” aniya.

Pinuri naman ni Zambales 1st district Rep. Jay Khonghun ang naging desisyon ni Escudero na ipatigil ang konstruksyon ng nasabing gusali.

“Public infrastructure projects should reflect prudent financial management. We must halt this project until a clear and transparent review can guarantee that the funds are used appropriately and for the benefit of all Filipinos,” saad niya.