Pagpapalit ng pangalan ng DOH, walang mararating! – Garin

Sinupalpal ni House Deputy Majority Leader Iloilo 1st district Rep. Janette Garin ang panukala ni Health Secretary Ted Herbosa na baguhin ang pangalan ng Department of Health (DOH) at gawing Department of Health and Wellness.

Ayon kay Garin na dati ring Health Secretary, sa halip na palitan ang pangalan ng DOH, mas makabubuting tutukan na lamang ang mas malaking problema na kinakaharap ng kagawaran.

“Well, honestly, it will not make any difference eh,” pahayag ni Garin.

“Mas maraming malalaking problema ang DOH na dapat pagtuunan because wellness is actually part of health,” dagdag ni Garin.

Kinuwestyun din ni Garin ang practicality ng plano ni Herbosa.

“Wellness is part of health. So changing the name can be okay but it will not really make a difference,” pahayag ni Garin.

“Kasi anong gagawin mo? Magpapalit ka ng logo. Eh, central office hanggang mga ospital, hanggang mga kababa-babaan ng ating units of government yan,” dagdag ni Garin.