Pagpapalaya ni Bato sa suspek sa pagpatay sa beauty queen, sinang-ayunan ni Robin

Sinang-ayunan ni Senador Robin Padilla ang ginawang pagpapalaya ni Senador Ronald "Bato" Dela Rosa sa suspek sa pagkawala beauty queen na si Catherine Camilon.

Sinang-ayunan ni Senador Robin Padilla ang ginawang pagpapalaya ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa suspek sa pagkawala beauty queen na si Catherine Camilon.

Nitong Huwebes, sinabi ni Dela Rosa na muli na lang nilang ipatatawag si dating Police Maj. Allan De Castro kapag nagkaroon na ng hearing sa Senado.

Pansamantala umano kasing inihinto ang mga hearing dahil sa pagdiriwang ng Semana Santa.

At ayon kay Dela Rosa, kinunsulta umano niya si Padilla, na nagmungkahi na dakipin si De Castro, at pumayag ito na palayain ang pulis na kasama sa kaso ni Camilon habang wala ang Senado sa sesyon.

“‘Yun naman for humanitarian reason na rin,” saad ni Dela Rosa.