Pagpapalawig sa e-visa para sa mga banyaga, ipatutupad agad-agad—PBBM

Dumalaw ang kinatawan ng India sa Palasyo para palakasin pa ang ugnayan ng dalawang bansa, na magdiriwang ng ika-75 na anibersaryo ng pormal na ugnayan sa 2024.

Nais pang padaliin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpunta ng mga banyaga sa bansa sa pamamagitan ng pag-issue ng electronic visa (e-visa).

“We will find a way to do it. But we are doing it (extending the visas),” sinabi ng Pangulo sa isang pahayag.

Ginawa ng Pangulo ang hakbang matapos ang pagbisita sa Palasyo ni Indian Ambassador Shambhu Kumaran, na nagpahayag ng request mismo sa ngalan ng mga kababayan niyang namamalagi sa Pilipinas.

Ayon sa website ng Indian embassy, aabot sa 120,000 Indian nationals ang bumibisita sa bansa kada taon.

Tugon ng Pangulo sa diplomat na kasalukuyang pinag-aaralan na ng mga awtoridad ang panukala upang mapalawig pa sa lahat ng banyaga na namamalagi sa Pilipinas.

“It won’t be just India, we are doing it with… several other countries as well to keep it. Again, we will just apply the same principles that we did with others – to India. But that is something that’s easy for us,” ayon sa Pangulong Marcos.

“That’s going to be a good beginning of a good exchange between our two countries,” dagdag pa niya.

Dumalaw ang kinatawan ng India sa Palasyo para palakasin pa ang ugnayan ng dalawang bansa, na magdiriwang ng ika-75 na anibersaryo ng pormal na ugnayan sa 2024.