Pagpapalakas sa Animal Welfare Act lumarga sa Senado

Sinimulan na ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform ngayong Miyerkoles ang diskusyon hinggil sa panukalang magpapalakas sa RA 8485 o Animal Welfare Act.

Sinimulan na ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform ngayong Miyerkoles ang diskusyon hinggil sa panukalang magpapalakas sa RA 8485 o Animal Welfare Act.

Pinangunahan ni Senadora Grace Poe, may akda ng panukala, ang diskusyon ng komite.

“Despite their worth and value to human society, many animals are neglected, deliberately abandoned, starved to death in animal pounds, or fall victim to animal cruelty. On the other hand, some irresponsible pet owners have permitted their unvaccinated pets to cause nuisance, fear, or harm to their communities,” saad ni Poe.

Kung maisasabatas ang pag-amyenda sa RA 8485, bubuo ng hiwalay na bureau sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) na siyang tututok sa pagbibigay ng veterinary service sa buong bansa.

“Hence, there is a reported shortage of veterinary personnel in smaller municipalities. And even cities that have veterinarians have to contend with inadequate resources,” wika pa ni Poe.

Bukod pa rito, layunin din ng panukala na maglatag ng pamantayan sa responsableng pag-aalaga ng hayop, at pananagutan sa mga awtorisadong manggamot ng mga ito.