Pagpapalakas ng AFP, PCG, suportado ng business sector

Nagpaabot ng suporta sa pagpapalakas ng sandatahang lakas ng Pilipinas at ng Philippine Coast Guard (PCG) ang iba't ibang business groups, ayon sa pahayag na inilibas nitong June 21.

Nagpaabot ng suporta sa pagpapalakas ng sandatahang lakas ng Pilipinas at ng Philippine Coast Guard (PCG) ang iba’t ibang business groups, ayon sa pahayag na inilibas nitong June 21.

Sa post ni Jay Batongbacal, isang maritime expert, sa kanyang X (dating Twitter), hinihikayat ng mga grupo ang gobyerno na iprayoridad ang pagpapalawig ng mga militar na kapasidad ng mga ahensya.

“We encourage the government to pursue with utmost urgency the necessary capacity-building measures that will successfully transform the AFP and the PCG into modern, responsive and self-reliant defense forces,” saad ng grupo sa pahayag.

Giit sa pahayag na mahalagang sangay ng sekyuridad ng bansa ang AFP at PCG, mapalupa at katubigang teritoryo ng Pilipinas, kaya naman dapat lang na palakasin ng gobyerno ang mga ahensya.

“Since we need peace and security in building a stronger and more progressive Philippines, we call for a whole-of-nation approach in addressing the current threats to national sovereignity and security,” dagdag nito.

Pinuri din ng grupo ang binibigay na effort at partisipasyon ng mga ahensya upang siguraduhing ligtas ang mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea.

BASAHIN: