Pagpapalakas militar prayoridad ng Kongreso sa 2025 nat’l budget — Romualdez

Makakaasa ang sandatahang lakas at ang kapulisan na may sapat na pondo ang pagpapalakas ng ahensya sa 2025 national budget.

Makakaasa ang sandatahang lakas at ang kapulisan na may sapat na pondo ang pagpapalakas ng ahensya sa 2025 national budget.

Ayon kay House Speaker Martin G. Romualdez, suportado ng Kongreso ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at hiling ng administrasyong Marcos na bigyang kagamitan ang sandatahang lakas ng bansa.

“We are committed to providing the necessary legislative support to ensure that the modernization programs and welfare initiatives for our armed forces are fully funded and effectively implemented,” sabi ni Romualdez.

“We will continue to work on policies that enhance our defense capabilities, improve the conditions of service for our soldiers, and ensure that the Philippines remains safe and secure,” dagdag niya.

Nangako din si Romualdez na bibigyang pansin ng pamahalaan, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos, ang kabuuang kapakanan ng mga sundalo at kapulisan.

“Rest assured, the administration and the Filipino people stand firmly behind you, ready to support and uplift you as you continue to protect and serve our country,” ani Romualdez.