Pagpanaw ni Imelda Marcos, fake news – Palasyo

Pinabulaanan ng Malacañang ang kumalat na tsismis na patay na umano si former First Lady Imelda Marcos.

Pinabulaanan ng Malacañang ang kumalat na tsismis na patay na umano si former First Lady Imelda Marcos.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil, walang katotohanan na sumakabilang-buhay na ang ina ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Senadora Imee Marcos.

“‘Fake news’ yung kumakalat na balitang wala na ang dating First Lady,” mensahe ni Garafil sa mga reporter.

Matatandaan na sinabi ni PBBM na dinala sa ospital ang kanyang ina dahil nagkaroon ito ng lagnat.

“The doctors are confident that this will relieve her fever. She is in good spirits, has no difficulty in breathing and is resting well. I thank the Filipino public for their concern and prayers,” ayon kay PBBM.

Sa panayam naman sa Senado kahapon binahagi rin ni Imee na bumubuti na ang kalagayan ng kanyang ina, na nagkaroon ng slight pneumonia.