Pagod na? PBBM nagpamasahe sa Cavite

Game na nagpa-sample ng masahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang masahista sa kalagitnaan ng pamamahagi nito ng Presidential Assistance sa Cavite.

Game na nagpa-sample ng masahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang masahista sa kalagitnaan ng pamamahagi nito ng Presidential Assistance sa Cavite.

Nangyari ito habang iniisa isang lapitan ng Pangulo ang pwesto ng mga MSMEs at matapat sa Hilot Massage Wellness na merong massage chair.

Saglit na nagpamasahe ang Pangulo mula balikat, likod at bewang, saka itinuloy ang pag iikot sa booth ng mga MSMEs.

Nabatid na namahagi ang Pangulo na halos 27 million pesos na halaga ng monetary support sa Provincial Government ng Cavite at Rizal.

TINGNAN: