‘Pagmasaker” ito! Transport group, nanindigang muli kontra consolidation, PUV modernization

Pakiusap ni PISTON national president Mody Floranda, dapat pakinggan ng pamahalaan ang mga hinaing nila tungkol sa consolidation at modernisasyon.

Nagmatigas pa rin ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) kontra sa direktibang consolidation ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bilang bahagi ng PUV Modernization Program (PUVMP).

“Ang franchise consolidation ay phaseout,” saad ng PISTON sa isang pahayag. “Ang franchise consolidation ay pagbawi at pagmasaker sa mga indibidwal na prangkisa at pagpasa nito sa mga malalaking transport corporation na sila lang (ang) may kapasidad na magbayad at sumunod sa mga pakana ng gobyerno.”

BASAHIN RIN: BASAHIN RIN: Paulit-ulit na lang: Transport group, ikinakasa muli ang tatlong araw na tigil-pasada kontra PUV Modernization

Pakiusap ni PISTON national president Mody Floranda, dapat pakinggan ng pamahalaan ang mga hinaing nila at iba pang mga transport group tungkol sa consolidation at modernisasyon.

“Hindi lang naman phaseout ng sasakyan ang pinag-uusapan natin kundi phaseout ng kabuhayan na itutulak ng gobyerno sa harap ng tumitinding krisis at kagutuman sa bansa,” aniya.

Matatandaang nagkasa ng tatlong araw na tigil-pasada ang PISTON bilang protesta na rin sa consolidation at modernisasyon.