Pagmamahal ng magulang ni Jolo Revilla, inspirasyon sa kanyang buhay

Sa isang Facebook post, ipinaabot ni Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla ang kanyang pagbati sa kanyang mga magulang na sina Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado-Revilla at Senador Ramon Bong Revilla, Jr. para sa kanilang ika-38 na taon ng pagmamahalan.

“Nais ko pong batiin ng Happy 38th Wedding Anniversary ang dalawa sa pinakamahahalagang tao sa buhay ko, Mama Lani M. Revilla at Papa Ramon Bong Revilla, Jr.!” ani ng mambabatas.

Ayon kay Jolo, naging inspirasyon sa kanya ang pagmamahalan at matibay na pagsasama ng kanyang mga magulang. Tinuruan daw siya nina Lani at Bong kung ano ang “true love” na nagbigay daan para magkaroon sila ng “happy married life.”

“You have gone through so much together, you still stayed strong and raised our family up so well. You have shown all of us how true love, faithfulness, and God-centeredness can take a relationship a long way. You both taught me the true nature of love, and that led me to the happy married life that I now share with Angel,” sabi ni Jolo.

“I wish both of you more great and happy anniversaries to celebrate. May you always stay happy, healthy, and in love together, Mama and Papa! We love you forever!” dagdag pa niya.

Ang mensahe ni Jolo ay nagpapakita ng kanyang pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya at sa halaga ng tunay na pagmamahal sa pagtataguyod ng masayang pagsasama.

TIGNAN: