Pagkatapos ng surot, daga naman spotted sa NAIA!

Matapos ang surot, daga naman ang nakitang pagala-gala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Matapos ang surot, daga naman ang nakitang pagala-gala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa viral X (Twitter) post ng isang netizen, makikita ang isang daga na palakad-lakad sa kisame ng paliparan.

“Hello NAIA, una surot, ngayon naman may daga sa international departure? Yung totoo?!?” anang netizen na may X handle na @Curve251.

Kamakailan ay nagviral ang mga post ng ilang biyahero na umano’y kinagat ng surot sa NAIA.

Ayon sa Manila International Airport Authority na namamahala sa NAIA, tinanggal na nila ang mga upuang sinasabing may mga surot.