Paghaharap ni De Lima, Duterte, hiniling sa drug war probe ng Kamara

Inimbitahan ng House committee on human rights sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, dating Philippine National Police Chief at Senador Ronald dela Rosa at dating Senador Leila de Lima.

Inimbitahan ng House committee on human rights sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, dating Philippine National Police Chief at Senador Ronald dela Rosa at dating Senador Leila de Lima.

Ito ay para busisiin ang anim na taong anti-drug war campaign ni Duterte kung saan libu-labong katao ang nasawi.

“As much as I would want to give courtesy to the former president and the senator, because of the gravity of the testimonies of [the families of the victims, Duterte and Dela Rosa] should face these people,” pahayag ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., chairman ng House committee on human rights.

Inimbitahan ng Kamara si de Lima na dumalo sa pagdinig matapos basura ng korte ang ikatlong kaso ng ilegal na droga.

Wala pa namang tugon ang kampo nila Duterte, dela Rosa at de Lima kung dadalo sa pagdinig ng Kamara.