Paghahanda ng Kamara para sa #SONA2024, puspusan na!

Handang handa na ang Kamara para sa hosting ng ikatlong SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Handang handa na ang Kamara para sa hosting ng ikatlong SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ibinahagi ni House Secretary General Reginald Velasco na nasa “final stages” na sila ng preparasyon para sa pagtitipon sa July 22.

Puspusan na anya ang kanilang renovations at adjustment upang i-accommodate ang partners mula sa Office of the President at sa Senado.

Nag inspeksyon na rin ang House Committee on Accounts chairperson at Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez mula sa holding room ng Pangulo hanggang sa loob ng plenaryo.

Kasado na rin ang ilalatag na rerouting ng MMDA para sa mga maaapektuhang motorista.

Habang ang Philippine National Police ay magpapakalat ng 22 thousand na mga tauhan para tiyakin ang seguridad ng mga dadalo sa SONA.