Paggamit ng Solar Technology sa irigasyon ikinakasa ng Marcos Administration

Isinulong ang proyekto kasunod ng State Visit ng Pangulo sa Vietnam kung saan nakita nila ang matagumpay na pag-gamit ng solar technology sa sector ng agrikultura.

Maglalaan ang Administrasyon ng P17-bilyong para sa solar-powered irrigation upang matulungan ang mga magsasaka ng bansa sa kanilang pag-ani.

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang kahalagahan at kagyat na pangangailangan upang maging handa ang bansa sa epekto ng El Niño phenomenon.

Sa talumpati niya sa ceremonial palay harvesting at pamamahagi ng assistance sa magsasaka at kooperatiba sa Mandili National High School, Brgy. Mandili, Candaba, Pampanga nitong sabado, sinabi ng Pangulo na inatasan niya si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na bumuo ng libo-libong solar irrigation units.

“Ngayong taon, palalawakin din natin ang patubig para sa mga sakahan sa pamamagitan ng … Philippine Solar Irrigation Project na mga small-scale irrigation projects upang mapataas ang produksyon at kita ng ating mga magsasaka,” ani Marcos.

Isinulong ang proyekto kasunod ng State Visit ng Pangulo sa Vietnam kung saan nakita nila ang matagumpay na pag-gamit ng solar technology sa sector ng agrikultura.

Ang Vietnam ang pangunahing exporter ng bigas sa Pilipinas.

Bawat solar unit ay kayang serbisyuhan ang irrigation pumps ng 20 ektaryang lupaing sakahan.

“Libu-libo itong aming pinaplano na ilalagay at iniisip na nga namin kung papaano sa budget, kung saan kukunin,” dagdag ng Pangulo.

Sa pagtaya ng pamahalaan aabot hanggang sa buwan ng Hunyo ngayong taon ang epekto na El Niño phenomenon na malaking banta sa sector ng agrikultura.