Paggamit ng deepfake vs PBBM ituring na uri ng terorismo – Dimaporo

Nais ni Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo na ituring bilang isang uri ng terorismo ang paggamit ng mga deepfake o 'yung manipuladong video, audio, o content gamit ang Artificial Intelligence (AI).

Nais ni Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo na ituring bilang isang uri ng terorismo ang paggamit ng mga deepfake o ‘yung manipuladong video, audio, o content gamit ang Artificial Intelligence (AI).

Ito ay matapos na kumalat ang deepfake audio ng tilay pag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na atakihin ng military forces ng Pilipinas ang ibang bansa.

Aniya, ang ganitong uri ng pangmamanipula kasi ay naglalagay ng panganib sa seguridad ng bansa.

“It just shows how desperate the opposition is against our president, President Bongbong Marcos, because he is doing a spectacular job in managing our foreign policy to the point that they try to sabotage him and that’s why I feel this should not be taken lightly,” pahayag ni Dimaporo.

Dahil dito, makikipagpulong si Dimaporo kay House Speaker Martin Romualdez para makapagmungkahi ng batas upang ituring ang ganitong paggamit ng teknolohiya bilang isang uri ng terorismo.

“If there’s a need to amend our laws and declare this type of behavior as a form of terrorism, well then we will refer to our leader here in Congress, our Speaker Martin Romualdez,” dagdag pa ng mambabatas.