Paggamit ng cyanide ng China, Vietnam sa WPS, sisilipin ng NSC

Iimbestigahan ng National Security Council (NSC) ang ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources' (BFAR) na gumagamit ng cyanide ang China at Vietnam sa Bajo de Masinloc upang sirain ang yaman nito.

Iimbestigahan ng National Security Council (NSC) ang ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources’ (BFAR) na gumagamit ng cyanide ang China at Vietnam sa Bajo de Masinloc upang sirain ang yaman nito.

Hinimok ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya ang BFAR na ipadala sa kanilang tanggapan ang mga nakalap nilang ebidensya upang lumarga na ang imbestigasyon sa naturang ulat.

“Ang sabi namin sa BFAR, complete the documentation that you have taken, ‘yung mga ebidensya at affidavits na makukuha natin, submit your post-mission reports to the National Task Force on the West Philippine Sea. We will investigate this report,” wika ni Malaya.

Dagdag pa niya, ‘pag napatunayan na matibay ang ebidensya laban sa dalawang bansa ay ihahain nila ang reklamo sa Department of Justice at Office of the Solicitor General upang maghain ng kaso.

“The challenge dito is to prove the responsibility for the coral degradation and the impact to the environment is coming from these specific people,” saad ni Malaya. “Kailangan nating ikonek eh. We have to have solid evidence to prove para kapag nagsampa na tayo ng kaso, hindi na tayo mahihirapan to prove to the court. Kasi alam mo naman, when we go to court, we have to have solid evidence to back your claim.”