Paggamit ng AI mahalaga sa pag-unlad ng bansa – Marcos

Bilib si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kakayahan ng artificial intelligence o AI na makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Bilib si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kakayahan ng artificial intelligence o AI na makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Sa gitna ng World Economic Forum on East Asia sa Malacañang, inilahad ni Marcos na kailangan ding sumabay ng bansa sa agos ng teknolohiya.

“We can see the necessity for AI because there are many things that we’re doing are becoming more complicated. And, we have to act very swiftly to be able to adjust to whatever occurrences there are,” anang pangulo.

Gayunman, batid ni Marcos na may kaakibat na peligro ang pag-usbong ng AI.

“I think, I need not explain how the AI can also work against you. But we must, but it is a very clear understanding on our part that we must be part of that,” aniya.

Wika pa ni Marcos, susi sa paggamit ng AI sa bansa ang mga manggagawang Pinoy na pawang mga kabataan at batak sa training.

“I’ve mentioned this when we were in Davos, the main asset when it comes, especially to the new technologies, is our workforce. We have a young workforce, they are well-trained, they are accustomed to working with foreign entities,” dagdag pa ng pangulo.