Paggamit deepfake tech, AI sa eleksyon ipagbabawal! – Comelec

Nakatakdang ipagbawal ng Commission on Elections (Comelec) ang paggamit ng deepfake technology at artificial intelligence (AI) sa panahon ng kampanya para sa midterm elections sa Mayo 2025.

Nakatakdang ipagbawal ng Commission on Elections (Comelec) ang paggamit ng deepfake technology at artificial intelligence (AI) sa panahon ng kampanya para sa midterm elections sa Mayo 2025.

Maaaring kasing gamitin ang deepfake technology upang palitan ng anyo ang larawan o video ng isang tao.

Maghahatid lang kasi umano ang makabaging teknolohiya na ito ng kalituhan para sa mga botante.

“Maganda mapag-usapan na kung dapat ipagbawal ang paggamit ng AI or deepfakes sa kampanya. Dapat ‘yung makatotohanan na kampanya. Kukumbinsihin ko ang ating Commission en banc na ipagbawal namin sa campaign ang paggamit ng deepfakes at Al sapagkat madami po ang nalilito, misrepresentation, madaming hindi makatotohanan na nangyayari kapag ginagamit po ‘yan,” pahayag ni Comelec chairman George Garcia.

“Alam po natin ang modern technology. Bakit ba hindi? Subalit dapat po, kapag kampanya, ikaw mismo ang nakikita ng sambayanan. Ikaw mismo ang nanliligaw sa kanila,” dagdag pa nito.

Samantala, iniulat ng Comelec na umabot na sa 3.2 milyon ang bilang ng mga nagparehistro para makaboto sa halalan sa susunod na taon.

Batay sa pinakabagong datos noong Mayo 28, mayroon nang 3,210,523 aplikante na nagparehistrong botante.