Pagbutihin niyo pang lalo: Mambabatas, pinapurihan ang PDEA sa laban nito kontra iligal na droga

Kapuna-punang mas makatao na ang kampanya kontra iligal na droga, at mahalaga ang papel ng Philippine Drug Enforcement Agency sa pagbabagong iyan.

Ilang raw matapos tawaging “brilliant” ang bloodless drug war ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay pinapurihan naman ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang papel sa kampanya kontra iligal na droga.

Partikular na pinuri ni Barbers ang pagbaba ng mga namatay sa drug war na umiiral.

Sa katunayan, 19 lang ang namatay mula Hulyo 2022 hanggang Setyembre 2023 sa kampanya ng pamahalaan, na mas mababa ng 52 porsiyento kumpara sa drug war ng nakalipas na administrasyon.

Gayunpaman, bilyong-bilyong halaga pa rin ng ng iligal na droga ang nasabat ng awtoridad sa pangunguna ng PDEA.

“Your exceptional performance, outstanding efforts, and unwavering dedication to excellence have not gone unnoticed. We are looking forward to witnessing law enforcement agencies led by PDEA achieve even greater milestones in the fight against illegal drugs,” sabi ni Barbers.

Kaugnay nito, hinimok niya ang PDEA na mas pag-igihan pa ang kampanya nito laban sa iligal na droga at siguraduhing “just, humane, and without too much harm” ito.

“Let us avoid unnecessary loss of life and suffering because of violence,” paalala ni Barbers.