Pagbuhay sa Bataan nuclear plant, sisilipin ng DOE

Nagtakda ang Department of Energy (DOE) ng isang feasibility study upang malaman kung uubra pa ba ang naka-tengga na Bataan nuclear power plant (BNPP).

Nagtakda ang Department of Energy (DOE) ng isang feasibility study upang malaman kung uubra pa ba ang naka-tengga na Bataan nuclear power plant (BNPP).

Sa ulat ng Philippine Star, ibinahagi ni DOE Secretary Sharon Garin na nakipag-kasundo sila sa isang third party contractor upang maisagawa ang pag-aaral.

“It’s better to just assess it. If it’s feasible, then let’s see how we go about it and maybe an investor will be interested in doing that because I’m sure there will be so much interest if the findings show that it’s feasible and the price is doable,” saad ni Garin.

“If it’s (a) no, then we determine what we do with it. And if it is, how much will it cost because you have to weigh that. If it is too expensive maybe it might be better to start a new one,” dagdag pa niya.

“I’m not sure how long a feasibility study will take, but hopefully as soon as they can, so that the debate will be finished,” aniya pa.

Sakaling hindi na uubra ang BNPP, iminungkahi ni Garin na gawin na lang itong pasilidad para sa pananaliksik ng Philippine Nuclear Research Institute.

Ang tangkang pagbuhay sa BNPP ay hakbang ng administrasyon tungo sa dagdag na pagkukuhanan ng enerhiya.