Pagbisita sa presinto papayagan sa Mahal na Araw

Magpapatuloy ang mga pagdalaw sa bilangguan upang bigyan ang mga persons deprived of liberty (PDLs) ng pagkakataon na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay para sa Semana Santa.

Magpapatuloy ang mga pagdalaw sa bilangguan upang bigyan ang mga persons deprived of liberty (PDLs) ng pagkakataon na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay para sa Semana Santa.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mas paiigtingin nila ang paghahanda upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga PDL sa pasilidad.

Sinabi ni BJMP chief Jail Director Ruel Rivera na isasailalim nila sa high alert status ang lahat ng BJMP facilities sa buong bansa.

Ipinag-utos umano ni Rivera na bantayan ang pagbibigay ng mahahalagang kagamitan tulad ng pagkain, tubig, at mga gamot.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang BJMP sa mga lider ng relihiyon upang mag-organisa ng iba’t ibang aktibidad, kabilang ang misa at pagninilay-nilay.