Pagbili ng libro ng DepEd, pinapasilip sa Senado

Nais paimbestigahan sa Senado ang umano'y kwestiyonableng pagbili ng Department of Education (DepEd) sa mga textbook para sa mga mag-aaral.

Nais paimbestigahan sa Senado ang umano’y kwestiyonableng pagbili ng Department of Education (DepEd) sa mga textbook para sa mga mag-aaral.

Base sa inihaing Senate Resolution 972 ni Senador Sherwin Gatchalian, kailangang masuri nang husto ang procurement ng DepEd ng mga libro at iba pang learning marerials.

“Considering the significant role of textbooks and other learning materials in enabling learners to acquire the necessary knowledge and develop critical thinking skills, there is an urgent need to address problems in the DepEd’s procurement of textbooks and other learning materials,” pahayag ng Senador.

Ayon aniya sa lumabas na Year One report ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), nasa 27 na mga textbook titles lamang para sa Grade 1 hanggang 10 ang nabili simula nang ipatupad ang K to 12 curriculum.

Dahil dito, pinuna ng EDCOM na tila’y hindi umano nagamit nang tama ang pondo para sa mga libro.

Samantala, lumabas sa resulta ng Southeast Asian Primary Learning Metrics (SEA-PLM) 2019 na nasa 26.2 porsyento ng mga mag-aaral sa Grade 5 sa Pilipinas ay walang sariling aklat o kailangang mag-share ng kanilang language at math textbook.