Pagbibigay student visa sa 16K Chinese nationals, inalmahan!

Nais ipabawi ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers ang Executive Order 285 na ipinatupad ni dating pangulong Joseph Estrada na nagpapahintulot sa Bureau of Immigration na gawing student visa ang mga turistang visa.

Aniya, ang pag-convert ng mga visa nang walang malinaw na rason ay maaaring gamitin ng mga hindi matapat na tao para sa pansariling pakinabang.

“In today’s setting, this particular power by the BI can be abused. This arbitrary power to convert visas is the worst legalized scheme that can be used by unscrupulous personnel for monetary gain,” ani Barbers.

“The 16,200 student visas that the BI granted to Chinese nationals in 2023 is simply unacceptable. Never mind if other countries grant more, we should never use that as our yardstick given our tense relationship with China,” dagdag pa nito.

Samantala, ilan sa mga miyembro ng Kamara at Senado ang humihiling ng imbestigasyon sa patuloy na pagdami ng mga estudyanteng Chinese sa bansa.