Pagbalewala ni Digong sa amnesty ni Trillanes binasura ng SC

Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang pag-revoke ni ex-president Rodrigo Duterte sa amnesty na iginawad kay dating senador Antonio Trillanes IV.

Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang pag-revoke ni ex-president Rodrigo Duterte sa amnesty na iginawad kay dating senador Antonio Trillanes IV.

Batay sa desisyon ni SC Associate Justice Maria Filomena D. Singh, walang kapangyarihan ang pangulo na magbasura ng amnestiya nang hindi naglalabas ng parehong desisyon ang Kongreso.

Kaya naman, unconstitutional umano ang desisyon ni Duterte.

Taong 2010 ng gawaran ng amnesty si Trillanes. Ang dating mambabatas ay nabilanggo kaugnay ng kanyang papel sa Oakwood mutiny at Manila Peninsula siege noong Arroyo administration.

Samantala, 2018 naman nang tangkain ni Duterte na buhayin ang mga dating kaso ni Trillanes sa pamamagitan ng pag-revoke sa kanyang amnesty.

Ikinatuwa naman ng dating senador ang desisyon ng korte. Binanatan din niya sina Duterte, dating executive secretary Salvador Medialdea, dating justice secretary Menardo Guevarra, at dating solicitor general Jose Calida.

“Maraming salamat po sa Supreme Court sa pagbasura ng Amnesty revocation ni duterte nung 2018. Sa kagustuhang patahimikin at ipakulong ang mga myembro ng oposisyon, sina Duterte, Medialdea, Guevarra at Calida ay gumawa ng pag-abuso ng kapangyarihan at sukdulang katangahan,” saad ni Trillanes sa kanyang post sa X (dating Twitter).