Pagbabago para sa pag-unlad ang dala niya: Mga bagong ideya, ipatutupad ni Recto bilang bagong Finance Secretary — PBBM

Nilinaw ni Pangulong Marcos na pareho pa rin ang mga polisiya ng Department of Finance (DOF) na una nang ipinatupad ng pamahalaan. Nais rin niyang tugunan muna ni Recto ang mga problema sa DOF.

Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatupad ng mga bagong ideya at programa si Finance Secretary Ralph Recto upang mas mapalago ang ekonomiya ng bansa.

“We have so many new ideas and new commitments that we have taken on for the improvement of the economy,” saad ng pangulo matapos niyang pasinayan ang oath taking ni Recto noong Biyernes, Enero 12.

BASAHIN RIN: New Year, New Role! Ralph Recto, beteranong mambabatas at ex-NEDA director general, hinirang na bagong Finance Secretary ni PBBM

Pero nilinaw ni Marcos na pareho pa rin ang mga polisiya ng Department of Finance (DOF) na una nang ipinatupad ng pamahalaan noong pag-upo pa lamang ng pangulo.

“So, the policies remain the same. The fiscal discipline will remain the same,” aniya.

Dagdag pa ni Marcos, nais rin niyang tingnan ni Recto ang operasyon ng DOF upang matukoy at matugunan ang mga importanteng isyu sa loob ng ahensya.

Magbibigay rin aniya ang kanyang economic team ng listahan ng mga prayoridad batay sa mga panukalang nakuha nito sa kaniyang mga pagpunta sa ibang bansa.

BASAHIN RIN: Trilyones agad ang hahabulin! Bagong Finance Secretary Ralph Recto, target ang P4.235-trilyong kita para sa pamahalaan