Pagbaba ng presyo ng bigas, asahan sa mga susunod na araw sa pagpasok ng anihan ng palay ngayong linggo

Magsisimula nang bumaba ang presyo ng bigas sa mga darating na araw bunsod ng pagpasok ng anihan ng palaya ngayong linggo.

Inaasahang bababa ang presyo ng bigas sa mga susunod na linggo dahil magsisimula na ang anihan ng palay, ayon sa isang lider ng samahan ng mga supermarket at grocery.

Ayon kay Steven Cua, pangulo ng Philippine Amalgamated Groceries and Supermarkets Association (PAGASA), ang nakaambang pagdeliver ng bagong stock ng bigas ay magdudulot ng pagbabawas ng presyo nito sa merkado. Ngunit depende pa rin ito sa dami ng stock na darating kaya hindi siya makapagbigay ng pagtantya.

“It’s hard to say because it all depends on the quantity (of new rice stocks) that gets into the market. But since the government seems to be targeting the PHP41 to PHP45 (per kilo) range, prices will probably settle at around that level… on average” ayon kay Cua.

Hinikayat ni Cua ang gobyerno na ipagpatuloy ang pag-inspect sa mga warehouse ng bigas dahil malaki ang epekto ng hoarding sa pagtaas ng presyo nito, na nakakaapekto rin sa pagtaas ng antas ng inflation.

Giniit ni Cua na ang Executive Order (EO) No. 39 o ang pagtakda sa presyo ng bigas ang tanging nakakapagpigil sa pagsipa ng presyo nito.

Ayon sa lider, karamihan sa kanilang miyembro ay nagbebenta ng premium rice variety na hindi saklaw ng EO No. 39.

“Small retailers (in wet markets) are the ones getting the limited supply of regular and well-milled rice. We don’t mind since our customers are typically willing to pay a little more for higher quality rice. It is really the poor who need the subsidized rice the most. We’ll just wait for the new stocks to arrive, since harvest season has already begun anyway,” aniya.

Sinuportahan rin ni Sergio Ortiz-Luis, Jr., pangulo ng Employers’ Confederation of the Philippines, ang pagtakda sa presyo sa bigas dahil matutulungan nito ang mas maraming kababayan natin.

“Anything that makes life easier for working Filipinos will be welcome to the business sector… it relieves pressure from us all,” aniya.

Hinimok ni Ortiz ang gobyerno na laliman pa ang imbestigasyon nito para matukoy kung saang mga lugar nangyayari ang iligal na pag-imbak ng bigas at pagmanipula ng presyo nito.