Pagbaba ng inflation at unemployment, patunay na epektibo ang mga inisyatibo ng gobyerno—PBBM

Umaasa ang pangulo mas gaganda pa ang sitwasyon ng bansa sa patuloy na pagtahak nito tungo sa Bagong Pilipinas.

Ikinagalak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes, Disyembre 7, ang pagbaba ng inflation at unemployment rate sa bansa.

“With great joy, I share the remarkable progress our nation has achieved. In October 2023, our unemployment rate hit a remarkable low of 4.2 percent, the lowest since April 2005, accompanied by a sharp decline in inflation to 4.1 percent in November 2023,” ani Marcos sa isang Facebook post.

Aniya, ang mga nasabing datos ay patunay na sumusulong na ang ekonomiya ng bansa, salamat sa mga hakbang ng gobyerno upang gawing kaaya-aya sa mga mamumuhunan ang Pilipinas.

“This is not just a number; it signifies the lives of millions of our fellow citizens who have found new opportunities. Our dedication to fostering an environment conducive to trade and investment is paying off,” paliwanag ng pangulo.

Dagdag pa ni Marcos, umaasa siyang mas gaganda pa ang sitwasyon ng bansa sa patuloy na pagtahak nito tungo sa Bagong Pilipinas.

“The journey ahead is promising, and I am confident that with your support, we will continue to build a resilient and prosperous Bagong Pilipinas,” aniya.