PAGASA: La Niña magsisimula sa Hunyo

Asahan ang pagdating ng maulan na panahon sa unang linggo ng Hunyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Asahan ang pagdating ng maulan na panahon sa unang linggo ng Hunyo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa umiiral na paghangin at pag-ulan, posible umanong magsimula na ang tag-ulan ayon sa weather bureau.

“Kung pagbabasihan natin ‘yung mga posibleng umiral na hangin at umiral na ulan sa mga susunod na araw, hindi natin inaalis ‘yung chance na magkakaroon tayo ng pagsisimula ng tag-ulan as early as next week, ‘yon na ‘yung pinakamaaga,” pahayag ni weather specialist Benison Estareja.

Bagaman nakaranas na ang bansa ng unang bagyo para sa taong 2024, maaari pa rin umanong makapagtala ng mataas na index para sa linggong ito.

“Posible pa rin na makapagtala tayo ng mga dangerous levels of heat index dito sa may eastern side,” saad pa nito.

Sa ngayon, bukod sa Aghon ay wala pang namamataan ang PAGASA na low-pressure area o bagyo sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility.