PAGASA: ‘Aghon’ walang hinto sa mga susunod na araw

Maaaring magpatuloy ang mga pag-ulan sa kalagitnaan ng linggo matapos ang pagpasok ng Severe Tropical Storm "Aghon."

Maaaring magpatuloy ang mga pag-ulan sa kalagitnaan ng linggo matapos ang pagpasok ng Severe Tropical Storm “Aghon.”

Base sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naobserbahan nila ang mga indikasyon na magsisimula na ang tag-ulan.

“Due to the conditions we are monitoring, which require five days of significant rainfall, we anticipate that around May 28 to 29, the monitoring stations will likely meet the criteria for us to declare the onset of the rainy season,” sinabi ni PAGASA’s Deputy Administrator for Research and Development Marcelino Villafuerte II.

Ang bagyong Aghon ang kauna-unahang bagyo na tumama sa bansa ngayong taon.