PAGASA: 13-16 bagyo maaaring tumama sa ‘Pinas sa 2024

Inaasahang nasa 13 hanggang 16 na bagyo ang maaaring tumama sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa huling quarter ng 2024, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni Pagasa-Climate Monitoring and Prediction Section (CLIMPS) Officer-in-Charge Ana Liza Solis, posibleng ilan sa mga bagyo na ito ay magiging mapaminsala.

Tinatayang bandang Hunyo 1 hanggang sa ikalawang linggo magsisimula ang tag-ulan.

Subalit, sinabi rin ng PAGASA na hindi rin inaalis ang posibilidad na baka magtagal hanggang ikatlong linggo ng Hunyo ang tag-init.