Pag-usapan natin ang China: Sitwasyon sa WPS, tatalakayin ni PBBM at PM Kishida

Ang masalimuot na sitwasyon sa West Philippine Sea ang isa sa mga pangunahing tatalakayin nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, lalo pa't tumaas na naman ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Inaasahang isa sa mga tatalakayin nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang umiiral na sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS)—partikular na ang mga agresibong paggalaw ng China rito.

Sa katunayan, inaasahang isa ito sa pangunahing pag-uusapan ng dalawang pinuno, na nakatakdang magpulong ngayong Biyernes, Nobyembre 3.

Nakatakda namang bumisita si Kishida sa House of Representatives bukas, Nobyembre 4.

“Among the specific issues to be discussed are the West Philippine Sea, trade and investment, and Japan’s official development assistance (ODA),” saad ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang pahayag na ibinigay nito sa Presidential Communications Office (PCO).

“They will also exchange views on major regional, international, and United Nations issues affecting the region and the world,” dagdag pa ng DFA.

Matatandaang tumaas nanaman ang tensiyon sa WPS nitong mga nakalipas na linggo bungsod ng sunud-sunod na insidente sa pagitan ng China at Pilipinas, gaya na lamang ng pagbangga ng mga Chinese militia vessel sa barko ng Coast Guard.