Pag-sugod ng PNP kay Quiboloy kinondena ni Duterte

Tinawag na hindi makatao ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtugis ng Philippine National Police (PNP) kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Tinawag na hindi makatao ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtugis ng Philippine National Police (PNP) kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

“I strongly condemn the use of excessive and unnecessary force in serving the warrant of arrest for Pastor Apollo C. Quiboloy of the Kingdom of Jesus Christ by police officers who are not even from Davao City. This incident occurred within a place of worship and on school premises, which is absolutely unacceptable,” saad ni Duterte sa isang statement.

Binatikos din ni Duterte ang Pamahalaang Marcos at sinabing tinatratong kriminal ng administrasyon ang mga taong naaakusahan ng krimen kung saan ang pagkakasala ay hindi pa napapatunayan.

“Will this overkill be the trademark of this administration when dealing with individuals who are merely accused of committing a crime and have not been proven guilty beyond reasonable doubt?” aniya.

“How can this administration guarantee the preservation of the constitutional rights of our fellow Filipinos when even the most fundamental of these rights are being trampled upon and blatant violated?” dagdag niya.

Kasalukuyang humaharap sa mga kasong sexual abuse at human trafficking si Quiboloy sa harap ng regional trial court ng Davao at Pasig City, at nangunguna sa listahan ng most wanted ng FBI sa Amerika.

Nauna na ring pinapaimbestigahan si Duterte para sa mga paglabag sa karapatang pantao sa kanyang “War on Drugs” ng International Criminal Court o ICC.