Pag-repaso sa RTL isasama pagharang sa korapsyon

Tiniyak ng ilang mambabatas na ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL) ay hindi magreresulta sa korapsyon sa National Food Authority (NFA).

Tiniyak ng ilang mambabatas na ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL) ay hindi magreresulta sa korapsyon sa National Food Authority (NFA).

Sa ilalim ng panukala, direkta nang bibilhin ng NFA ang mga palay sa mga magsasaka, at ang ahensya na rin ang magbebenta nito sa mga konsyumer.

Sa tingin nina House Speaker Martin Romualdez at House Deputy Majority Leader for Communications and ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo, makakatulong ang pag-repaso sa RTL upang mapababa ang presyo ng bigas.

Gayunman, may ilang nangangamba na ang pagpasok ng NFA sa merkado ay magdudulot ng korapsyon. Kinontra naman ito ng ilang mambabatas na natutulak sa naturang batas.

“Ultimately, ang layunin naman natin ay magkaroon ng access sa mas murang bigas ang ating mga kababayan. Kung korapsyon, hindi naman siguro ang solusyon doon ay pigilan natin ang pagkakataon ng ating mga kababayang mahirap na magkaroon ng pagkain or access sa mas murang bigas,” pahayag ni Tingog party-list Rep. Jude Acidre.

“I think there are more effective mechanisms to reduce the prevalence of corruption, other than taking away the access of the poor to more affordable ric,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Isabela 6th District Rep. Faustino Dy V, ang pag-amyenda sa RTL ay pagkakataon din upang mapagtibay ang batas at hindi ito mabutasan.

“Now that we are crafting a new law, or amendments to the RTL, we can introduce kung ano po ‘yung mga kinakailangan na amendments para pagandahin po natin ‘yung sistema. So, meron mga improvements na kailangan talagang gawin at i-introduce, but it doesn’t mean that we should not entertain the idea of introducing the NFA function again,” aniya.