Pag recite ng Bagong Pilipinas hymn, pledge sa Senado, pinag-aaralan

Wala raw nakikitang problema si Senate President Chiz Escudero kung isasama ang pag recite ng Bagong Pilipinas hymn at pledge sa flag ceremony sa senado.

Wala raw nakikitang problema si Senate President Chiz Escudero kung isasama ang pag recite ng Bagong Pilipinas hymn at pledge sa flag ceremony sa senado.

Pero sa kabila nito, hindi pa rin naiimplementa ang memorandum circular 52 dahil patuloy pa raw nila itong pinag aaralan kasama ang secretariat.

Wala pa rin daw syang natatanggap na rekomendasyon o komento ukol dito.

Ginawa ni Escudero ang pahayag matapos maglabas ng memorandum ang House of Representatives na nag-aatas na kantahin at bigkasin ang Bagong Pilipinas hymn at pledge sa kanilang flag ceremony.