‘Pag may namatay sa WPS: Marcos pagaganahin defense treaty sa Amerika

Ang pagkamatay ng isang Pilipino sa gitna ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) ang magiging hudyat para humingi ng saklolo ang Pilipinas sa US sa pamamagitan ng Mutual Defense Treaty (MDT).

Ang pagkamatay ng isang Pilipino sa gitna ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS) ang magiging hudyat para humingi ng saklolo ang Pilipinas sa US sa pamamagitan ng Mutual Defense Treaty (MDT).

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang talumpati nitong Lunes.

“I think [US Defense] Secretary [Lloyd] Austin explained it very well, [that] if any servicemen, Filipino serviceman, is killed by an attack from any foreign power, then that is time to invoke the Mutual Defense Treaty,” anang pangulo.

“As long as they have actually caused casualties, and it has killed the serviceman… whatever their designation are, whether they’re merchant, marine or Coast Guard or actual grey vessels or Navy vessels, it does not matter. That is an attack to the Philippines by a foreign power,” dagdag pa niya.

Matatandaang nitong Marso ay binomba ng China ng water cannon ang isang sasakyang pandagat ng Pilipinas sa may Ayungin Shoal. Walang nasawi sa panig ng mga Pilipino ngunit nasaktan ang mga ito sa pangyayari.

Ang MDT ay pinirmahan ng US at Pilipinas noon pang 1951. Nakapaloob dito na magtutulungan ang dalawang bansa, sa oras na isa sa kanila ang madawit sa giyera.