‘Pag lumabas ICC arrest warrant: Duterte tatakas kasama si Bong Go – Trillanes

Matinding epekto sa 2025 senatorial elections ang kalalabasan sakaling lumabas na ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) kay ex-President Rodrigo Duterte.

Matinding epekto sa 2025 senatorial elections ang kalalabasan sakaling lumabas na ang arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) kay ex-President Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng ‘Facts First’ ni Christian Esguerra kay former Senator Antonio Trillanes IV, sinabi nito na mag-iiba ang scenario kapag pinadampot si Duterte ng ICC bago ang eleksyon.

Aniya, posibleng tumakas si Duterte para hindi maaresto ng ICC dahil sa mga reklamong paglabag ng dating Pangulo sa human rights.

Tingin pa ni Trillanes, hindi lang si Duterte ang tatakas kundi pati ang dati niyang Special Assistant to the President (SAP) na si Senador Bong Go.

“Kung lumabas ‘yung warrant na ‘yun, ako I firmly believe tatakas itong si Duterte at isasama ‘yan si Bong Go,” ayon kay Trillanes.

“Kasi si Duterte by himself, I don’t think he would be able to survive kung saan man sila lilipad,” aniya pa.

Kapag nangyari raw ito ay mawawala sa senatorial slate ng mga Duterte ang dalawang politiko na malakas ang tsansa sa 2025.

Sa senatorial survey ng Tangere noong Enero, si Duterte ay ang rank first kung saan 62 percent ng Pinoy ang nagsabing iboboto nila ito para maging senador.

Samantalang si Go naman ay nasa ika-apat na pwesto bilang reelectionist senator.