PAG-IBIG nagbigay P101.5M para sa pabahay ni PBBM

Naglabas ng P101.5 milyon ang Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa developmental loans nito bilang pondo ng housing program ng “Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH)” ng Pamahalaang Marcos.

Ang pondo ay gagamitin upang pondohan ang konstruksyon ng Bocaue Bulacan Manor Housing Project sa Barangay Batia, Bocaue, sa Bulacan.

“This release is yet another welcome support that will certainly fire up the implementation of ‘Pambansang Pabahay’ as we bring the plans into actual development,” sabi ni housing chief Jose Rizalino Acuzar.

Matagal nang mino-monitor ang ahensya ang proyektong ito na tinatayang makapagbibigay ng 1,888 housing units para sa mga residente at empleyado ng gobyerno sa lugar.

“We have been monitoring the progress of this project from the beginning and we are glad to witness it has now come into fruition,” dagdag ni Acuzar.