Pag-endorse ni Boy Abunda sa ‘crypto’ fake news!

Nilinaw ng talk show host na si Boy Abunda na walang katotohanan ang kanyang pag-endorse sa isang cryptocurrency program.

Nilinaw ng talk show host na si Boy Abunda na walang katotohanan ang kanyang pag-endorse sa isang cryptocurrency program.

Kwento ng host, may kumakalat umano ngayong post ukol sa pagtatalo nila ng aktres na si Max Collins dahil sa biglang pagyaman nito.

Base sa post, matapos ang pagtatalo ng dalawa ay ipinaliwanag daw ni Max na kaya siya yumaman ay dahil sa nag-invest siya sa cryptocurrency auto-trading program o bitcoin.

Ipinakita pa raw umano ni Max kung paano mag-set up ng account kung saan ang kanyang investment na P14,060 ay lumago sa P21,165 sa loob ng 30 minuto.

Ngunit ayon kay Abunda, hindi totoong nagtalo sila ni Max at lalong hindi totoo na kinumbinse siya nito na mag-invest sa crypto.

“Kumakalat ngayon ang isang fake article tungkol ‘di umano sa deleted interview ko kay Max Collins dito sa ‘Fast Talk with Boy Abunda.’ Ang claim ng article, nagtalo daw kami ni Max on-air at dahil hindi ako makapaniwala sa kaniyang biglaang pagyaman. In-explain daw ni Max sa akin na kaya siya yumaman ay nag-invest siya sa cryptocurrency auto-trading program o Bitcoin,” saad ni Abunda sa “Fast Talk with Boy Abunda” show.

“Nililinaw ko po ngayon, nanay, tatay, Kapuso, hindi po ito totoo. This is fake. This is a big lie,” dagdag pa nito.

Ang naturang pekeng balita ay ipinost umano ng crypto.com, na ginaya ang interface ng isang kilalang news website.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng GMA Network Inc.’s legal team ang kanilang maaaring aksyon para sa naturang scam.