Pag-angkin ng China sa Escoda Shoal may ebidensya! – PCG

Nakakuha ng matibay na ebidensya ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ginagawang land reclamation ng China sa Escoda Shoal sa may West Philippine Sea (WPS).

Nakakuha ng matibay na ebidensya ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ginagawang land reclamation ng China sa Escoda Shoal sa may West Philippine Sea (WPS).

Base sa pahayag ni National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) spokesperson PCG Commodore Jay Tarriela, natuklasan umano ng barko na BRP Teresa Magbanua na nagtatayo ng artipisyal na isla ang China sa naturang lugar.

Bukod pa riyan ay marami rin umano sa mga coral reefs ang napinsala dahil sa aktibidad na ito.

Ani Tarriela, hindi maipagkakaila ng China na sila ang nasa likod ng pagtatayo at pagsira sa Escoda Shoal dahil naidokumento nila ang lahat.

“China cannot simply dismiss these findings as disinformation, as we have documented the presence of their vessels in the area. It is widely known that China is the only country in the region that disregards environmental concerns,” sabi nito sa platform X.

Tanging ang BRP Teresa Magbanua lang umano ang pinadala para imbestigahan ang naturang shoal, subalit tumugon umano ang China sa pamamagitan ng pagpapadala ng sasakyang Pilipino na ipinadala upang imbestigahan ang shoal ngunit nagpakilos ito ng tugon mula sa higit sa 30 sasakyang pandagat, tatlong barko ng Chinese Coast Guard, tatlong barko ng People’s Liberation Army Navy, at tatlong research vessel.

TINGNAN: