Pag amyenda sa Konstitusyon, para sa ekonomiya, hindi sa politika! – Speaker Romualdez

Nilinaw ni House Speaker Martin Romualdez na ekonomiya ang target na amyendahan sa 1987 Constitution at hindi politika.

Nilinaw ni House Speaker Martin Romualdez na ekonomiya ang target na amyendahan sa 1987 Constitution at hindi politika.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag nang mag-covene ang Committee of the Whole ngayong araw.

Sinabi ni Romualdez malinaw ang kanilang misyon na baguhin lamang ang ilang economic provisions na pumipigil sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan na tiyak magpapasigla sa ekonomiya ng bansa.

“Malinaw po sa ating lahat ang misyon natin ngayon. Baguhin ang ilang economic provisions na pumipigil sa pagpasok ng mga negosyo mula sa ibang bansa. Mga negosyong lilikha ng trabaho at magpapasigla ng ating ekonomiya,” ani Romualdez.

“Ito lamang ang pakay natin. Ekonomiya, hindi pulitika,” giit pa niya.

Idinaing naman ni Speaker Romualdez at maging ng iba pang House mebers na nagsusulong sa pag amyenda sa economic provision na sila ay inakusahan ng mga walang basehan na akusasyon.

Aniya, hangad lamang ng Kongreso ay ang kabutihan ng Sambayanang Pilipino.

“Categorically, we are denying this unfounded and baseless accusation. Wala po tayong hinangad sa Kapulungang ito kundi ang kabutihan ng Sambayanang Pilipino. And we work night and day to make this happen,” saad ni Romualdez.