Padilla natuwa sa sabong ni Binay, Cayetano

Imbis na mabahala ay mas natuwa pa umano si Senador Robin Padilla sa naging debate nina Committee on Accounts chairman Alan Peter Cayetano at Senador Nancy Binay.

Imbis na mabahala ay mas natuwa pa umano si Senador Robin Padilla sa naging debate nina Committee on Accounts chairman Alan Peter Cayetano at Senador Nancy Binay.

Nitong Miyerkoles, nagkasagutan ang dalawa ukol sa tinatayong New Senate Building.

Ayon kay Padilla, ipinapakita lang nito na hindi nagkakampihan o nagsasabwatan ang mga Senador.

Aniya, bukod sa nagkapersonalan ay wala namang naging masama sa nangyari.

“Ako ay masaya. Kasi ‘yung mga ganung klaseng palitan ng mungkahi— tayo ay nasa Kongreso, ‘yung mga ganung klaseng pag-uusap o talakayan, dapat mangyari ‘yun,” pahayag ni Padilla.

“Masaya ako kahapon! Kaya lang syempre noong napupunta na sa medyo personalan doon na ako humihingi ng suspension,” dagdag pa nito.