Padilla naghain panukalang batas vs online sugal

Ipinanukala ni Senator Robinhood Padilla ang pagpapatigil sa pagpapalabas o pagpo-promote ng mga online sugal na siyang nakaapekto sa mga Pilipino.

Ipinanukala ni Senator Robinhood Padilla ang pagpapatigil sa pagpapalabas o pagpo-promote ng mga online sugal na siyang nakaapekto sa mga Pilipino.

Ayon kay Padilla, magiging malaking tulong ang kanyang inihaing Senate Bill No. 2602 upang bawasan, kung hindi man lahat, alisin, ang pagkalantad at epekto ng sugal sa publiko, lalo na sa kabataan.

Isa umano sa mga nakakasira sa lipunan ay ang sugal, sapagkat madalas itong konektado sa addiction at kriminal na mga gawain.

“Considering the evolving landscape of social media platforms, this representation has been apprised of the availability of online user-generated content relating to gambling that demonstrates, promotes and provides instructions on betting or staking to the general public,” saad ng Senador.

“One concern that is associated with the disruption of social order is gambling, as it is oftentimes linked to addiction, criminal activities, and even social issues that destroy the moral fiber of our nation,” dagdag pa nito.

Sa abiso sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) at sa ilalim ng SB 2602, ang Department of Justice (DOJ) ay maglalabas ng isang kautusan upang hadlangan o pigilin ang pag-access sa online content na nagpo-promote ng sugal.