Pacquiao vs Japanese MMA champion kasado na!

Kumpirmado na ang pagbabalik sa ring ni Manny Pacquiao kontra sa isang MMA champion mula Japan.

Kumpirmado na ang pagbabalik sa ring ni Manny Pacquiao kontra sa isang MMA champion mula Japan.

Sa July 28 gaganapin ang laban ni Pacquiao kontra RIZIN featherweight champion Chihiro Suzuki sa Saitama, Japan.

Ang laban ay three-round boxing exhibition match kung saan maglalaban sina Pacquiao at Suzuki sa 150-pound weight.

https://x.com/RIZINTV_/status/1799765697129488496

Si Suzuki ay isang matinik na MMA fighter, kung saan wala siyang talo sa huling siyam niya na laban.

Huling lumaban si Pacquiao sa boxing ring noong 2022 sa isa ring exhibition match kontra Korean martial artist DK Yoo.