Pabida lang! Bongalon: Harry Roque huwag bigyan ng panahon

Gusto lang mapag-usapan ni Atty. Harry Roque kaya kung ano-ano ang sinasabi nito, ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon.

Gusto lang mapag-usapan ni Atty. Harry Roque kaya kung ano-ano ang sinasabi nito, ayon kay Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon.

Ito’y reaksyon ni Bongalon sa hirit ni Roque na si Vice President Sara Duterte daw ang ‘true president’.

Kinuwestiyon ni Bongalon si Roque kung sino ba ang binoto nito noong 2022 elections sa pagka-Pangulo.

“Sino ba binoto ni Harry Roque sa presidente? Bakit niya sinasabi si Sara, ‘yung VP ‘yung tunay na presidente? So I guess may mali po doon,” saad ni Bongalon.

Aniya, sinusubukan lang maging relevant ni Roque dahil alam naman nitong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tunay na nanalo noong eleksyon.

“He’s trying to be relevant nowadays. Hindi ko po alam kung ano ang rason niya kung bakit sinasabi niya ang ganung statements. Alam po natin, alam po ng masa na nanalo po si Pangulong Bongbong Marcos ng 31 million,” ayon kay Bongalon.

“Wag na po tayong mag-concentrate or bigyan ng panahon ang mga taong ito dahil they’re trying to be relevant,” aniya pa.