Pababa ng pababa! Unemployment target ni PBBM, abot-kamay na dahil sa mga programa ng gobyerno — Diokno

Bumaba ang unemployment rate nitong Oktubre sa 4.2% mula sa 4.5% noong Setyembre. Ito ang pinakamababa mula pa noong Abril 2005—at halos kapareho noong Nobyembre 2022.

Tiwala si Finance Secretary Benjamin E. Diokno na makakamit ang target ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapababa sa single digit ang unemployment rate ng bansa bago matapos ang termino nito sa 2028.

Sa isang pahayag, sinabi ni Diokno na layon ng pangulo na pababain ang unemployment rate ng bansa sa 4-5% lamang hanggang 2028—at ito ay malapit ng makamit.

Sa katunayan, bumaba ang unemployment rate nitong Oktubre sa 4.2% mula sa 4.5% noong Setyembre. Ito ang pinakamababa mula pa noong Abril 2005—at halos kapareho noong Nobyembre 2022.

“We are now closer than ever to achieving the President’s vision of bringing down the Philippines’ unemployment rate to 4 to 5 percent in 2028,” ani Diokno sa parehong pahayag.

Batay sa huling mga datos, 2.1 milyong Pilipino ang kasalukuyang walang trabaho—mas mababa sa 2.2 milyon na walang trabaho noong Oktubre 2022.

Kaugnay niyan, tiniyak ng Department of Finance na lalo nitong pag-iigtingin ang mga inisyatibo nitong makapagpatupad ng mga polisiyang makakaakit ng mga mamumuhan sa bansa upang mas lalong dumami ang trabaho dito.

“For our part, the Department of Finance remains steadfast in our commitment to advocate for fiscal policies that attract meaningful investments, particularly those fostering job creation in the country,” pagtitiyak ni Diokno.