Pababa ng pababa! Presyo nang bigas, papalo sa P36 kada kilo ngayong Oktubre—DA

Ayon sa Department of Agriculture, bababa sa P36 hanggang P38 ang presyo ng kada kilo ng bigas bago matapos ang Oktubre dahil sa masaganang ani.

Maaaring umabot sa P20 kada kilo ng bigas ang presyo nito dahil inaasahang bababa ito sa P36 kada kilo bago matapos ang Oktubre.

“In retail, the price will be P36 to P38 before the end of the month. It’s because it’s harvest season and we have many produce,” sabi ni Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa isang panayam sa pagbubukas ng AgriLink, FoodLink & AquaLink 2023 sa World Trade Center sa Pasay City.

Pinag-aaralan na rin aniya ng DA ang imumungkahi nitong suggested retail price sa mga imported rice, na pumapalo sa P60 kada kilo.

Samantala, sinabi rin ni Panganiban na suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggamit ng makabagong teknolohiya upang mas mapaganda pa ang industriya ng agrikultura sa bansa.

“The adoption of modern farming practices and the development of cutting-edge technologies will be our tools to promote sustainable and efficient farming processes,” paliwanag ng pangulo sa kanyang mensaheng binasa ni Panganiban.