Paalam sa isang haligi ng pelikula at telebisyon: Batikang aktor na si Ronaldo Valdez, pumanaw na

Tumagal ng mahigit anim na dekada ang karera ni Valdez, na nakilala sa larangan ng pelikula at telebisyon. Siya rin ang rin ang ama ng pamosong singer-songwriter na si Janno Gibbs at aktres na si Melissa Gibbs.

Pumanaw na ang batikang aktor na si Ronaldo Valdez nitong Linggo, Disyembre 17.

Kinumpirma ito ng Quezon City Police District. Hindi naman binanggit ang sanhi ng pagpanaw ni Valdez, o Ronald James Dulaca Gibbs sa tunay na buhay.

Tumagal ng mahigit anim na dekada ang karera ni Valdez, na nakilala sa larangan ng pelikula at telebisyon.

Kabilang sa mga sikat niyang pelikula ay “Cedie,” “The Flor Contemplacion Story,” at “Seven Sundays.” Bahagi rin siya ng mga seryeng “Mula Sa Puso,” “FPJ’s Ang Probinsyano, at “I Love Betty La Fea.” Isa sa mga huling proyekto niya ang seryeng “2 Good 2 Be True” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Si Valdez rin ang ama ng pamosong singer-songwriter na si Janno Gibbs at aktres na si Melissa Gibbs.